Tuesday, September 21, 2004

Yihee! Panay blog kasi hindi toxic. Dito ako sa computer center, inuubos ko lang yung 1 hour ko. Sayang, 30 Php din to. How's life? Okay lang. 2 days na lang and i'm 20. Gosh! Di na talaga ako bata. Adult na talaga ako. Di na ko pwedeng mag-paka immature at laging mag-procrastinate sa mga trabaho ko, uminom ng walang pakundangan na as if wala akong importanteng gagwain the next day, kailangan ay effecive na akong makapag-manage ng oras ko between all the stuff na kailangan kong gawin at ma-prioritize ang mga gagawin ko at maging organize everyday. Golly! Feeling ko tumanda ako ng 5 years. HuHUhu.....
Hay.... as i go into adulthood, eto malamang yung mga bagay na ma-miss ko tungkol sa pag-ka bata at pag-ka teenager:
1. Yung hindi ka makapasok sa film na gusto mong panoorin dahil R18, o kung PG13 naman siya, kaialngan kasama mo ang isang magulang.
2. Yung kapag may ginawa kang kalokohan, yung excuse na "Ganyan talaga ang mga bata." All of the sudden kasi, kailangan mo nang maging responsible sa mga actions mo.
3. Yung free rides sa tren o carnivals kapag below ka nung ruler nila.
4. Yung mga rides na hindi mo masakyan dahil below ka ng mga ruler nila.
5. Yung pag-kakaroon mo ng crush na kababawan lang. Pag-matanda ka na kasi parang hindi na bagay sayo.
6. Ang right na manood ng Batibot, Sesame street at kung ano pang kiddie shows.
7. Ang right na manood ng mga teen flicks tulad ng TGIS (yihee! kapanahunan ko yan!)
8. Ang mga quizzes sa school at long exams.
9. Yung kapag tinamad kang pumasok, pwede kang umabsent. Basta ba maka-kopya ka ng assigment ng classmate mo for the next day ay ayos na sa mga prof mo.
10. Ang pagiging asal bata ng isang tao just for the simple reason na bata. Immaturity daw kasi yun kapag matanda ka na e asal bata ka pa rin.

Happy birthday nina!!!

Thursday, September 16, 2004

Malapit nang matapos ang week two ng psych. Hay... Bigla tuloy dumami ang gagawin ko dahil meron akong dalawang patients ngayon. Golly..actually dito lang ako sa computer center at inubos ko lang ang 15 minutes ko, sayang din kasi, 10 pesos din yun.
Okay lang ako ngayon, both physically, psychologically and emotionaly. Nasabi ko ba na back to normal na kami ni ~ahem~? Okay na kami sobra, parang walang nangyari. Sa akin, mas maganda yun kasi ako yung tipong ng tao na ayaw iiwasan ang isang kaibigan pag-katapos ng mga ganoong pangyayari, ako kasi, once friend kita, for life na yun. Tsaka yun siguro yung maganda pag-friendship ang naging foundation mo feelings mo for a person, kasi kahit anong mangyari, yun ang isang bagay na hindi mag-babago. Gusto kong i-check yung mga blos nina phaeds kaya lang nakalimutan ko na ang address. Ask ko na lang later 7 minutes pa. HMMM......

Tuesday, September 14, 2004

Panick attack! Panick Attack! Wala pa akong ma-propose na TOA for next week! Gaah! Need proposals. Punta kaya kao kina Anna later para makahiram ng crafts mags niya? Hmmmm..... Second week of CC. La na akong money. Hay.... Ei just got my re-issued I.D.

Saturday, September 04, 2004

Funny! In-access kasi ni Phaeds yung blog page niya tapos naalala ko na matagal na kong hindi nag-blog. Funny kasi nakalimutan ko yung username ko. hahahaha.....
Internship is pretty okay. Inatake nga ako ng burn out this month, nag-kasakit ako at na-depress ng todo pero kay na. Phase over. Gusto ko nang uminom at tumitig sa kawalan Hehehe...
Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko na-mimiss yung pagiging isang ordinaryong student. Yung tipong may quiz ka araw-araw, exam tuwing first shifting, prelims and finals, prax na nakakaloka ever, at mga moments sa classroom kasama ang aking mga class mates. Hayyy..... ngayon minsan wini-wish ko na lang ng mag-quiz sa ana, o kahit anong OT subject kesa pumasok sa center at mag-decury sa sabado.
But don't get me wrong. Alam kong ilang beses na kong na-depress, naiyak dahil muntik na akong lumagpak at hindi maging intern, at sa totoo lang, gusto ko naman talaga ang ginagawa ko kaya lang siguro, kahit saan namang aspect ng life diba? Dumadating ang panahon na gusto mo lang mag-pahinga at i-rest ang iyong utak sa kakaisip ng problema ng iba.
Hayy...kamiss to. Mukhang mapapadalas nanaman ito
Last, September na! 19 days na lang, matanda na ko talaga. Totoo nga yung sinabi ni papa, before it know it, 40 na ko.
I'M BACKKKKKKKK!!!!!!