Sunday, May 29, 2005

Review for boards has begun (actually, kahit di pa nga ako sure kung makahabol ako, im getting this weird feeling na hahabol ako sa date of filing.) Insipirado ako mag-review (walang halong ka-showbizan yan!;p) dahil dun, kaya kahit ma-prito ang utak ko sa mag-hapong review sa IQ, la sa akin yun, it's for my own good. Kahit medyo may daya yun ng konti, kasi nag-advance ako ng topics ng patago. Once kasi mag-start na ang make up ko ng June, wala na kong time para mag review sa IQ. Sayang ang 9000. Tutal naman, sila rin ang nag sabi na nag-gagamitan lang kami pareho (of course! business is still business diba?!) e sasabay din naman ako sa OT batch kapag nag OT apps na sila, pareho lang yun diba?!. Mwahahaha.........
#####
Napupuna ako na im suddenly making drastic changes sa sarili ko ngayon. Sample, bumili ako ng danggling earrings, DANGGLING! Bumili ako ng spag strap na blouse, pero may patong pa rin na jacket, pero kahit na, spag pa rin yun. Yung bago kong gloss, shimmery pink ever! Say mo, girlalu ako ngayon. Medyo hindi pa nga lang sanay sa bagong image, pero what the heck! naisip ko lang na gawin ko na ang mga bagay na yan ngayon kesa simulan ko pag-dating ko ng 40 at ang labas e para akong lola na nag-mumurang kamatis ever ;p

Tuesday, May 24, 2005

That's it. Im giving up. Wala na talaga. Suko na ko as in. Kung tungkol saan yon, secret ko na yon. Basta ang gusto ko lang ipaalam sa inyo, wala na talaga akong care. Sobrang ayoko na. Tama na. Sobra na talaga ito...... ;p hahahahahaha..........................

Monday, May 23, 2005

Naks. Independent chuva ek ang drama ko these days. i know eversince naman that my parents are used to the idea that i don't really live here anymore, kaya lang mas na observe ko after grads na mas sanay na sila na wala ako. Actually, very supportive sila sa idea that i really would like to move out of the house after college (come to think of it, supportive naman talaga sila sa kahit ano ;p). My dad actually has this rule na we have to move out of the house once we reach 21. i gues it's their way of saying na matanda na kami, maghanap na kami ng trabaho dahil hindi habang buhay ay nandyan sila. We better start learning to take care of ourselves. Otherwise, wala na. Baka kung saan kami pulutin. Hehehe........So paano ang buhay these days, aalis ako ng monday, balik ako ng saturday afternoon, minsan aalis pa ako ng sunday para lang mag palamig sa mall (e bakit ba? maiinit e!). O saya diba.
May pros and cons ang situation na ito. Ang isang plus e yun nga nagiging independent kami, chuva, tsaka masarap din ang buhay na walang gigising sayo ng maaga on a weekend para mag luto, hindi ka obligadong mag luto, hawak mo oras mo, at hindi mo kailangan mag paalam kapag feel mong umalis. Ang isang napakalaking con nito ay siyempre na-mimiss mo sila. lalo na ko, meron pa kong mga adorable little kids na nauuto ko pang i-kiss ang cheeks ko kapag dumadating ako (wish ko pag laki nila ganon pa rin sila). Tsaka, nakakamiss din ang maingay na bahay kapag lagi kang nandun sa bahay mong walang kausap kung hindi t.v.

Saturday, May 14, 2005

O well... eto ako, nasa purgartoryo pa. Pero malapit na ring makita ang liwanag. Review starts in a week so after non, i'm going to misss my shows. Awww...pero no. i am a mature individual at hindi ako dapat malungkot sa mga ganitong kababaw na bagay otherwise, it will just refelct kung gaano kababaw ang life ko....hehehe

Monday, May 02, 2005

Yahoo!! May na. sabi ko uubusin ko na ang lahat ng distractions ko last week. Actually medyo ubos na. kaya lang kailangan ko lang mag-focus at mag-stick sa aking plano. ;p
#####
Yihee. it's ka-depressan again, dahil babalik na ko sa lugar ng aking ka-depressan ng may ngiti sa labi, complete with elevated mood at appropriate affect. Kaya lang mega stressed ako pag uwi kaya dapat, may entertainment sa bahay. thank god for koreanovelas ;p
####
eto nanaman ako, naiisip ko kasi na baka hindi ako mag-boards this july hindi dahil sa hindi ko gucto pero dahil sa naiipit ako sa make-ups at baka hindi ako ma-clear in time for boards. don't want to tell my folks about it kasi sasakit lang ang ulo nila at mag-aalala lang yun. Must work this out on my own, i'm a grown up, i can handle my own battles. Papa God help me;p
####
Mwuhahaha....sa wakas, nailabas ko na rin ang galuit part ko about a certain tao. it felt good kasi finally, meron pa akong mas malakas na rason para hindi na mag-hang on at maka move on further. kailangan minsan ng anger para makapunta sa acceptance phase diba? but still, i feel bad because he's still my friend at yun pa rin ang mas nangingibabaw at medyo unfair din naman sa kanya yung anger ko, pero what the heck....;p