Sunday, June 17, 2007
Ni hao! Eto ako, walang magawa. At naghihintay na mag bukas ang gateway kasi maghahanap ako ng regalo ng dad ko. Magiging mabait naman akong anak. Para kasi ako yung tipo ng anak na absentee, pero dinadaan sa materyal na bagay ang pag bawi sa mga buwan na hindi ako umuwi. Tutal, ang alam naman nila e wala na akong ibang gingawa kundi mag trabaho (Daig ko pa si Lord e. SIya Day off pag Sunday, ako hindi), parmdam ko naman na kahit papaano e may pera ako (kahit wala). Kung saan siya napupunta, sa pambayad ng ilaw, tubig, association dues, credit card, kotse. Lekat. Di mo magamit dahil wala kang pang gas, marami pang kailangan tulad ng pa tune up, pag palit ng ilaw, ng bumper. Siyet. Para siyang pet. Kung naala niyo yung tamagochi. Ganun. Hindi nga lang siya lumalaki, pero tumatanda. Kailang mo linisan, i-wax, i-vacuum yung loob. Hay. At least di siya maingay pag gabi, at hindi nag hahanap ng attensyon. Hehehe
Subscribe to:
Posts (Atom)