Wednesday, April 26, 2006

matagal din akong walang post. Sensha na. Ano na ba ang nagyari sa akin? Eto, hindi ako natanggap sa PGH, pero dito ako ngayon sa private clinic sa may san juan. Okay naman dito. Mabait yung mga staff, tsaka yung mga doctors na may ari ng clinic. The patients? UHHHHH.... that remains to be seen. Pakiramdam ko ngayon, para akong nasa telenovela. AKo yung daughter-in-law na hindi matanggap, o yung bagong stepmom na hindi matanngap nung anak nung husband, o yung mga apong hindi matanggap ng ng lolo dahil illegitimate child at ayaw nila sa nanay ko. Hehehehe......

Sunday, April 02, 2006

Saglit lang to. I'm feeling sleepy na e. My "call girl" days are over. Last day ko na sa "casa" kagabi. Now, hintay lang ako ng feedback from PGH. Kapag positive, thank you God. Kung hindi, thank you God pa rin. Ibig lang sabihin, He has better plans for me. Kagaya nga ng sabi ni Anna, bahala na si Batman. AJA!!!