hello pilipinas and hello world! kamusta naman ang aking mga nasasakupan? pasensiya na at ngayon lang ako ulit nag kwento, medyo busy ang inyong diyosa sa kanyang mga trabaho. Anyways.....
Sino nanood ng Maging sino ka man? ang pangit ng ending no? naasar talaga ko. kamusta naman ang resurrection? di ba niya nakita yung puting ilaw sa dulo ng tunnel? bakit hindi siya pumunta dun?
minsan naiisip ko na na kunin ang ibang mga naging entries ko dito, haluaan ko pa ng iba pang ka-istiran, i-pa publish at gawing libro para ma pag kakitaan? medyo madami dami na tong mga nailalagay ko dito, la naman ako masyado mapala. aside from peace of mind na maari ko rin namang makuha sa beer, pag shopping ng mga libro, o pag hithit ng katol/pentel pen/liquid paper/mighty bond. ayoko ng rugby. pang masa. diyosa ako e. dapat maiba. wala namang bago sa akin. nag mamaneho na pala ako mga people! astig (naks! love yourself). so pag may nakita kayong blue na kia pride sa edsa na parang pagong, malamang ako yon. di naman ako sobrang bagal, hindi ko nga lang masyadong hinahataw yung kotse, trabaho yon ng pinsan k0. dun lang ako sa speed na comfortable ako. gusto ko pa ata mabuhay no? tsaka paano kung di ako ma resurrect tulad ni Eli sa maging sino ka man. ika nga nung sign sa mga jeep, "distansiya lang amigo"