Sunday, March 27, 2005

I forgot what i'm supposed to post. I'm blocked......

Thursday, March 17, 2005

ALAY SA USTE part 1
Wow. What a week...Mantakin mong thesis week ngayon at sobra kaming windang. As in.. La na ko pera dahil sa thesis (actually, di ko pa nabibigay yung ambag ko hehe).... Last week of intership was okay. Medyo muntik na nga lang akong sumabit sa orals pero ayos lang, naawa ata sa akin kaya pinasa ako. Bumalik nanaman sa orbit ang mundo so to speak.
########
I've been putting off this thing na gusto ko sanang ilagay dito sa blog. At dahil malapit na ang graduation, gusto ko sanag mag-alay ng isang blog entry to my school, the Pontifical and Royal University of Santo Tomas, the Catholic University. Gusto ko sabihin ang lahat ng natutunan ko sa lugar na ito na hindi mo makikita sa libro.....

Mula sa mga prof...
1. Sir Joel Guerrero - malaki ang utang na loob ko dito sa taong to. Kung di dahil sa kanya, wala nang pinatunguhan ang mga OT students. Siya ang tipo ng prof na naniniwala sa innate mong kakayahan na maging isang mabuting student, kahit bagsak bagsak ka na at marami pang problema sa buhay. Sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng pag-aaral bago mag saya. tipong exam mo muna ang unahin mo, saka ka na mag-beer. isa siyang living example ng balance ng work. play at leisure.
2. Maam Debra Tagle - Ang pinaka natutunan ko sa kanya ay ang pagiging self-sufficient at independent. Dahil siya ang intership coordinator namin, binibigyan ka niya ng push to the right direction, tapos hahayaan ka na niyang tumayo sa sarili mong mga paa at i-solve ang sarili mong problema.
3. Sir Jack Wigley - isa ata to sa mga pinaka masiyahing prof na nakikilala ko. There was never a dull moment sa class niya. Bukod sa grammar at literature lessons, ang pinaka natutunan ko sa class niya e ang kailangan nating lagyan ng spice ang buhay natin. Yung class niya kasi yung break namin from all the zoo, math and other mind draining subjects for the day. Kumbaga sa life, kailangan mo rin ng isang bagay, hobby, o kahit ano na pwedeng makapag-relax sa buhay mo, at the same time, enriching kasi may natutunan ka bago.
4. Sir Nandy Pedrosa - ito ang masasabi kong institusyon sa UST. Lahat ata ng mga naging prof ko graduate ng UST e naging student niya. Eto ang isang tao na laging thirsty for learning more things, kaya sa kakaaral e hindi na nabigyan pansin ang pag-aasawa. Pero sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng pag-aaral, hindi lang about our chosen field pero pati na rin sa life. Na dapat kahit wala ka na sa school, you should still be eager to learn new things.
5. Dra. Vanessa Gonzales, Dr. Denis Ngo, Dra. Lea Enriquez at Dra. Carmencita Gonzalez - pinagsama sama ko na sila dahil isa lang naman ang natutuna ko from them, it's not enough na mine-morize mo lang ang inaaral o binabasa mo, dapat naiintindihan mo din. Totoo kasi wala namang silbi sa yo ang bagay na kinabisa mo lang, kasi dahil sa short term memory lang siya naka-store, hindi siya magagamit for future use at parang nag-aksaya ka lang ng neurons dahil wala rin siyang silbi sa yo.
6. Maam Trina Atlas at Sir Jomar Tirbucio - pedia profs, at bukod sa SI at NDTs, natutunan ko sa kanila na pedia is more than just singing and teaching the child "Get red...Good job!" Pedia ay isang art, hindi lang sapat na alam mo ang mga BMTs, Cog ax, etc, higit sa lahat, kailangan talagang in tune ka with the kids. Dapat maganda ang maging relationship mo with them dahil bilang therapist, malaki ang impact mo sa magiging kinabukasan ng batang hawak mo.
7. Maam Sally Uy, Maam Jeane Capsa at Maam Shine Hernandez - adult profs, yung first two sa phys dys, the last one sa psych. Basically, ang natutunan ko sa kanila ay kung paano mo dapat pakiharapan ang mga adult patient mo, dahil nga matanda na sila, dapat ay gawin mong mas functional ang ax para mas maging beneficial sa kanila. Dahil kapag nabalik mo sila sa previous level of functioning, hindi lang financial problems nila ang na-solve mo dahil pwede na ulit silang mag-trabaho, pati na rin ang self-esteem nila at ang kakayahang maniwala na "Habang may buhay, may pag-asa".
(stay tuneed para sa part 2...hehe)