Saturday, March 13, 2010

bad trip. kasalukuyan ko ngayon pinag tiya-tiyagaan ang nasunog kong pop corn. In-adjust ko pa yung settings nito kanina. kamusta naman ang carcinogens nito. sana pala nag yosi na lang ako.
iniisip ko lang yung shout out ko sa facebook kanina: kailangan ko na ayusin ang buhay ko. sa lahat ba ito ng aspeto? mag print na ko in the next few days ng application form papunta canada. wala naman ata talaga ako dahilan para hindi umalis. sabagay, nasabi ko naman din dati na hindi ako mag papapigil. siguro lang ang wish ko, sana nga may pumigil sa akin.