Sunday, April 17, 2005

Eto pala ang buhay ng isang bum. Ngayon ko lamg siya naramdaman kasi imagine, ang haba pa ng araw, wala na kong magawa. Walang maganda palabas sa t.v., natapos ko na yung taiwanese series na pinapanood ko (yes. napanod ko na ang god of mars. maganda siya as in!;p) at ngayon, meron kaming 50+ chanel sa cable pero wala akong type na palabas. hay...bum....
####
hanggang ngayon pa rin ata, tinatanong ko ang sarili ko ng what now? Ano na ba ang gagawin ko sa aking life. Dapat meron akong game plan. Actually, meron na. Basta makapag-boards at pumasa, makahanap ng trabaho, makaipon at mag-ka kotse. Swak na ko. Ok na yun kahit wala na ang boyfriend.
honestly, hindi pa rin ako makapaniwala na kaya kong sabihin yun, at such a young age. I shouldn't be fatalistic pero talagang nararamdaman ko na ito na ang plano ni God for me, a life of single blessedness. Right. I'm gonna concentrate on what i can accomplish immediately, after non, saka ko na lang siya siguro iisipin. For the next few years, isa lang ang main goal ko, ang maging succesful sa aking career. Mahirap ata na mag-take on ng maraming bagay in such a short time. Hindi naman minamadali ang mga ganyang bagay hindi ba.
(Ayan. Eto nga siguro ang sign na dapat ko ng bawas bawasan ang panonood ko ng mga romantic soaps. Kulang ata sa voilence ang buhay ko dahil hindi ko maiisip to kung hindi ko pinanood ang Mars at biglang tinanong sa sarili ko kung kailan kaya ang time na maganap na ang sarili kong fairy tale na mag-sisimula sa "once upon a time, in a castle far far away, there lived a princess.... " at ang ending e "and they lived happily ever after" Note to self: try watching suspense thriller or horror movies more)
######
Right. Gaahh! i hate thinking about this. It makes me feel inferior and insecure. Ang lagi ko kasi naiisip, if others think that i'm such a great catch, BAKIT WALA PANG HUMUHULI SA AKIN! Hindi naman ako pangit, pero hindi rin ako ganon kaganda. Hindi ako maria clara pero hindi rin naman ako tibo. Matalino naman ako, masyado nga lang akong madaldal, higit sa lahat, marunong akong mag-luto, mag-laba, mag linis, etc. Hindi rin naman ako idealistic siguro. Ano ba ang masam kung gusto kong makahanap ng isang lalaki na responsable, matalino, may ambisyon, at kaya akong alagaan? Wala naman diba? Sila kasi yung mahirap hanapin. Sabagay, iilan lang kasi sila sa mundong ito.
Hay.. why am i asking questions na wala naman talagang sagot.

Sunday, March 27, 2005

I forgot what i'm supposed to post. I'm blocked......

Thursday, March 17, 2005

ALAY SA USTE part 1
Wow. What a week...Mantakin mong thesis week ngayon at sobra kaming windang. As in.. La na ko pera dahil sa thesis (actually, di ko pa nabibigay yung ambag ko hehe).... Last week of intership was okay. Medyo muntik na nga lang akong sumabit sa orals pero ayos lang, naawa ata sa akin kaya pinasa ako. Bumalik nanaman sa orbit ang mundo so to speak.
########
I've been putting off this thing na gusto ko sanang ilagay dito sa blog. At dahil malapit na ang graduation, gusto ko sanag mag-alay ng isang blog entry to my school, the Pontifical and Royal University of Santo Tomas, the Catholic University. Gusto ko sabihin ang lahat ng natutunan ko sa lugar na ito na hindi mo makikita sa libro.....

Mula sa mga prof...
1. Sir Joel Guerrero - malaki ang utang na loob ko dito sa taong to. Kung di dahil sa kanya, wala nang pinatunguhan ang mga OT students. Siya ang tipo ng prof na naniniwala sa innate mong kakayahan na maging isang mabuting student, kahit bagsak bagsak ka na at marami pang problema sa buhay. Sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng pag-aaral bago mag saya. tipong exam mo muna ang unahin mo, saka ka na mag-beer. isa siyang living example ng balance ng work. play at leisure.
2. Maam Debra Tagle - Ang pinaka natutunan ko sa kanya ay ang pagiging self-sufficient at independent. Dahil siya ang intership coordinator namin, binibigyan ka niya ng push to the right direction, tapos hahayaan ka na niyang tumayo sa sarili mong mga paa at i-solve ang sarili mong problema.
3. Sir Jack Wigley - isa ata to sa mga pinaka masiyahing prof na nakikilala ko. There was never a dull moment sa class niya. Bukod sa grammar at literature lessons, ang pinaka natutunan ko sa class niya e ang kailangan nating lagyan ng spice ang buhay natin. Yung class niya kasi yung break namin from all the zoo, math and other mind draining subjects for the day. Kumbaga sa life, kailangan mo rin ng isang bagay, hobby, o kahit ano na pwedeng makapag-relax sa buhay mo, at the same time, enriching kasi may natutunan ka bago.
4. Sir Nandy Pedrosa - ito ang masasabi kong institusyon sa UST. Lahat ata ng mga naging prof ko graduate ng UST e naging student niya. Eto ang isang tao na laging thirsty for learning more things, kaya sa kakaaral e hindi na nabigyan pansin ang pag-aasawa. Pero sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng pag-aaral, hindi lang about our chosen field pero pati na rin sa life. Na dapat kahit wala ka na sa school, you should still be eager to learn new things.
5. Dra. Vanessa Gonzales, Dr. Denis Ngo, Dra. Lea Enriquez at Dra. Carmencita Gonzalez - pinagsama sama ko na sila dahil isa lang naman ang natutuna ko from them, it's not enough na mine-morize mo lang ang inaaral o binabasa mo, dapat naiintindihan mo din. Totoo kasi wala namang silbi sa yo ang bagay na kinabisa mo lang, kasi dahil sa short term memory lang siya naka-store, hindi siya magagamit for future use at parang nag-aksaya ka lang ng neurons dahil wala rin siyang silbi sa yo.
6. Maam Trina Atlas at Sir Jomar Tirbucio - pedia profs, at bukod sa SI at NDTs, natutunan ko sa kanila na pedia is more than just singing and teaching the child "Get red...Good job!" Pedia ay isang art, hindi lang sapat na alam mo ang mga BMTs, Cog ax, etc, higit sa lahat, kailangan talagang in tune ka with the kids. Dapat maganda ang maging relationship mo with them dahil bilang therapist, malaki ang impact mo sa magiging kinabukasan ng batang hawak mo.
7. Maam Sally Uy, Maam Jeane Capsa at Maam Shine Hernandez - adult profs, yung first two sa phys dys, the last one sa psych. Basically, ang natutunan ko sa kanila ay kung paano mo dapat pakiharapan ang mga adult patient mo, dahil nga matanda na sila, dapat ay gawin mong mas functional ang ax para mas maging beneficial sa kanila. Dahil kapag nabalik mo sila sa previous level of functioning, hindi lang financial problems nila ang na-solve mo dahil pwede na ulit silang mag-trabaho, pati na rin ang self-esteem nila at ang kakayahang maniwala na "Habang may buhay, may pag-asa".
(stay tuneed para sa part 2...hehe)

Sunday, February 27, 2005

Eto. La pa sa mood mag-aral kaya blog muna. Puchang "The notebook" yan! Pinaiyak ako. As in. Mukha akong tanga. Dun ako naiyak sa part na naalala si Noah ni Allie a few minutes bago sila mamatay. Tapos sabi ni Noah"See you there"....tapos ngumiti si Allie, pumikit sila pareho...at wala na. dedo na. Pero Mag-kahawak kamay pa rin sila. Hanggang sa death mag-kasama sila. Sabi ko nga kay mama, ang sarap nung ganon, yung tipong pag matanda na kayo, sweet pa rin kayo sa isa't isa....hay true love ito.....

Friday, February 25, 2005

Buti na lang at walang pasok ngayon. This week was HELL WEEK! Grabe! Monday pa lang, di na kinaya ng powers ko ang kamalasan na nangyari sa akin.
#####
MONDAY: 6 am pa lang, sira na ang araw ko. Nagyon ko lang napansin na napaka bulok ng traffic system sa Las Pinas kaya ayun, naiipit ako sa traffic. Dahil naipit ako sa traffic, hindi ako hinintay ng taong dapat i-meet ko dahil ma-late na daw siya. Ang naisip ko nung nabasa ko yung text niya e "Ako kaya hindi?!" tapos dahil kailangan ko talaga siyang puntahan, punta pa ko PGH. So what happened? I was 1 hour and 14 minutes late. Pagdating sa TWH, we were in major shit dahil naka-uniform daw kami at bibigyan pa ata kami ng insubordination na DMs. Dun pa naman, Insubordination means hindi mo ginawa ang kahit anong pinapagawa nila sayo. And that includes being in civilian and being ready at 10 am para sumayaw. E wala nga sa job description namin yun e. Tapos, muntik pang hindi mapsa nag aming pinag-hirapan at pinag-kagastusang thesis, at muntik na akong bumagsak. Actually ang naiisip ko non ay "Shit! Thesis subject nanaman?!" Anyways, I was soooo tired na pag-uwi ko e, dumaan ako sa supermarket at bumili ako ng strong ice (YUM!!!). Kaya lang, e sobrang whappack, hindi ako nagising ng 4:30 kaya hindi ako nakapag baon the next day.
TUESDAY and WEDNESDAY: Wala namang gaanong happening, pero drained pa rin ako pag-uwi at mega tinatamad akong mag-treat.
THURSDAY: The day started okay, hanggang sa dumating ang isa naming CS at nagalit dahil hindi kami sa kanya nag-papa receive ng papers. Running DMs pa ang ibibigay. Ang sa amin lang e sumusunod lang naman kami sa kung ano ang sinabi sa amin ng orientation.
#####
Buti na lang bakasyon ngayon. At meron akong t.v. show na inaabangan gabi-gabi para meron namang akong ibang iniisip pwera sa trabaho kapag naksakay ako sa bus or jeep. Sobrang subsob na nga ata ako kasi pati mga paniginip ko e tungkol sa mga pasyente at supervisors ko. Freaky!!! As in pag-gising ko ang una kong naiisip e "Wow naman! pati ba naman sa panaginip e trabaho pa rin ang laman?! SOBRA NA! TAMA NA! HINDI KO NA KAYA ITO!"

Sunday, February 20, 2005

It's alsmost over. As in. In a few weeks, all the things that i planned and hope for can either come true, or not. I'm hoping it's the former. Honestly, i'm still not sure of myself. Marami pa rin kasing pwedeng mangyari, and based from experience, UST, or atleast, CRS, is very notorious pag dating sa mga unexpected surprises. lalo na yung mga hindi talaga pabor sayo, tulad ng di pag-graduate sa oras. Galing! I'm just thinking na sana, lahat ng puyat, pagod, frustration, ass-licking, and kung ano-ano pa ay mag pay off na. Sana, aakyat ako sa stage sa April 1, wearing my new dress, shaking their hands, smiling, naka black na toga at kukunin ang nakarolyong bond paper. Alam mo, nung nag-pakuha ako ng grad pic, hindi ko talaga mapigilang mag-smile ng todo. Kasi ang sarap ng feeling ng naka-toga. Talagang sinasabi niya sayo na tapos na ang lahat ng pag-hihirap mo. Well, almost kasi may boards pa. Pero saka na yun. Graduation muna. Kinakabahan nga ako. Sana, ma-exempt ako sa orals. kahit medyo impossible, umaasa pa rin ako kasi alam ko namang nasagutan ko siya with the best of my abilities. tsaka, para mabawasan na ang mga iisipin ko, kasi pwede na kong makahinga ng konting luwag. Sana talaga. Sana.

Friday, February 11, 2005

Yihee! Is Valentines next monday. Wala me date kay ang game plan e manonood ako ng "The Notebook" and cry my eyes out kasi sabi ni Anna nakkaiyak daw. Popcorn and beer? Hmm....maybe. How's my life? Everythings fine and if it does continue, aakyat ako ng stage sa April 1. Dapat talaga maging positive thinker ako at mag-tiwala ako sa kakayahan ko dahil alam kong kaya ko to. May bago na kong expression kapag pakiramdam ko e bumababa ang fighting spirit ko...AJA!AJA!FIGHTING! Dapat pag sinasabi yan e may accent na parang barado ang ilong mo, lalo na yung fighting na part(kumbaga e fayhthing). Hehehe....

Monday, January 24, 2005

This is going to be a veeeeerrrrryyyy,veeeerrrryyyy,veeeerrrryyyy loooooooonnnngggg weeeeeeeeeeeeeek! Aba'y bakit? Last week ko na kasi. Isa na lang ang wish ko for the week, at hinihiling ko ito sa ngalan ng 6 yellow cars na nabibilang ko, SANA WALA NA AKO I.E.!!!! Ayoko na mag-i.e. ever. As in isusuka ko na ang isa pang gabi na gagagwa ako ng i.e. as in. I'm tired na. Stressed 100Mx. At sa totoo lang, pagod na ko sa C.S. pa lang. Don't get me wrong. mabait si CS, kaya lang kapag na-harass kasi siya, pati ako kasama. Tsaka hindi mo alam ang mood niya. Para siyang land mine. pag mali ang tapak mo, BOOM! Yung tipong mga hover craft lang ang pwedeng dumaan. E dahil hindi ako hover craft kundi isang simpleng intern lamang, pagod na ko mag-adjust. Shockers. Gusto ko sanang mag-PS2 mamaya. Hmmm....actually pwede kaya lang hindi ako pwede mag-puyat. Otherwise, harassed nanaman ako bukas.

Sunday, January 16, 2005

God really works in mysterious ways. Imagine, just when i was thinking na there is no hope for me, binigyan niya pa rin ako. Sobra thankful talaga ako sa kanya. Kitam! Tama talaga si Fr. stephen, never let go of God's hand because he won't let go of yours. Talagang maniwala ka lang sa Kanya at sa mga plano niya para sayo. Hay...gagawin ko talaga ang lahat, makumbinse ko lang si Sir Arnel.... (Hithit ng hangin) Kaya ko to...gaya nga ng sabi nina Vivian and Ji eun, "Aja,aja Figthing!"
#######
Ay, ano pa ba ang bago sa aking buhay...dahil nag-ka mumps ako at absent for 1 week, nanood lang me ng Lovers in paris nung isang linggo, as in tinapos ko na siya. Maganda siya talaga all throughout, kaya lang pag-dating dun sa ending, biglang naging "niyee......ano yan...anong nangyari?! " Hindi siguro alam ng mga writters non kung paano tatapusin yung kwento kaya ayun, nababoy nila. Medyo disappointing talaga, at least yung ending lang, kaya lang, nasayang talaga yung ending. Crucial pa naman yon. Kaya warning sa mga tagasubaybay ng Paris, be prepared para sa isang napakalaking disappointment, at linawan ang inyong mga mata, para mabawasan ang inyong asar ng mga 10%.....
Hay, mag-aaral pa ako. Dahil binigyan ako ni papa God ng hope, gagawin ko ang lahat ma-exempt sa orals, para maka- march sa April 1. :)

Sunday, January 02, 2005

What a way to start the year....with MUMPS!!! Yep, mumps. As in, nung nakita ko at 2 am na ang laki ng left cheek ko, naisip ko agad, never naman nag-swell ang mga lymphnodes ko ng ganito kalaki. As in, ang taba ko tignan. I'm supposed to rest for a week, doctors orders. Kanina naisip ko, try ko pumasok ng wednesday, kaya lang nag-bago isip ko. baka lubusin ko na ang pag absent. Mahirap kapag sina Maam Pam pa ang mahawaan ko, tsaka legal naman yun kasi yun ang nakalagay sa med certificate. kaya lang naiisip ko, bakait ba dun ako nag-make up sa mga centers na ayaw ko nang balikan?!! As in! mga 10 days make-up din yun kasi excused, kasi 2 days makeup ang equivalent per day.

Ay,ay,ay,.... may akong confession... I think I really go for older as in tatay-like men?! As in! Example, si Colin Firth, ngayon si Park Shin Yang (character siya sa Lovers in paris, ang bagong korean soap na kinahuhumalingan ko :) ) Weird! why is that?!

Saturday, December 18, 2004

Katam,katam,katam. Tinatamad nanaman ako. revalida na in approximately 8 hours at wala pa ata ako natatapos na basahin. WoW. Mega hulaan nanaman ito. Bakit ba ganyan, ang estudyante pag-revalida?! Di, itry ko na hindi makatulog para makapag-aral. Kahit makapag-scan man lang ako ng chapters ng stroke, m.s., sci, tbi, at iba pa. Sheesh...
Sarap magblog. Pero bago ako tuluyang mag-disconnect, hahanapin ko muna si park shing-yang at lee dong-gun (o yun? di ko alam heheh..).

Tuesday, December 14, 2004

Naks. Di gaanong toxic. Actually, medyo may pag-ka maganet ata ako ng I.E. dito sa heart center dahil patatlo ko nang I.E. ito sa loob ng 2 weeks. At sa totoo lang, tinatamad ako (bago pa ba yun?). Pero sige. UUbusin ko lang itong natitirang 11 minutes ng Php 30 ko, sayang e.
#####
Gusto ko nang lumipat sa korea!!! Paano, nandun yung mga crush ko, tsaka parang ang say tumira dun, kahit medyo anal ang mga tao kasi mega grabe kung mag-linis at gumawa ng gawaing bahay, at medyo di ata sila naliligo araw araw kasi malamig. Siguro, kung titira ako dun, kahit mega snow na sa labas, liligo pa rin ako. Pero may mainit na tubig siyempre. Di ata ako makaktiis ng di naliligo dun. Ano na naman itong mga pinag-lalagay ko. Halatang walang masulat na maayos.

Sunday, December 12, 2004

Christmas na. Christmas na, ang saya, saya. Lumalamig na at mahirap ng gumising sa umaga. Meron Akong bagong gusto korean soap ngayon(What's new?!)! Lovers in paris ang title at crush ko pareho ang 2 guys dun. Si Martin, kasi pag-clean look siya, kamukha niya si BYJ. Si Carlo, kasi yung mga tipo niya yung mga nagugustuhan ko. Yung matalino, na masungit, na hindi marunongmanligaw, at hindi rin expressive sa feelings niya, pero mabait, sensitive, thoughtful at understanding. Hay...minsan tuloy gusto ko nang lumipat sa Korea. Lahat ng gwapo nandun....;p

Monday, November 08, 2004

November na!!! Lumalamig na, mahirap na uling gumising sa umaga....
Sa mga F4 fans, lalo na ang mga tulad kong maka-LEI, may kwento me sa inyo.....
Nung saturday kasi, sinamahan ko yung friend ko namood ng isang special viewing ng kung ano man sa may Quezon city. Tsaka libre din yun e, kasi may bayad kapag pupunta(Iba talaga kapag may bestfriend ka na ang nanay any mas fanatic pa sa inyong dalawa:) ). Anyways, e di punta kami. Ang nag-organize pala nun e isang fans club na ang tawag ay F4tensed. At mantakin mo, isang na adult (as in working adult) ang founder ng org na ito. At bongga ang gathering. May food pang kasama, hulaan nyo.. sirit? MCDO Chicken! (Kapag hindi nyo na-gets, di kayo fans ni LEi)
Humahaba na ang kwento, eto na ang pinakamahalaga. Yung event kasi e all about LEI. AS in 2 hours na puro LEI, lahat, mula sa MG1 hanggang sa bago nilang soap ni San cai na God of Mars! At ano ang masasabi ko?? Puncha ng gwapo niya!!! tapos,tapos, may mga clips kasi sila na pinakita from God of MARs (GOM), yung mga kaswitan nila ni san cai, tsaka yung mga kissing scenes nila na sobrang dami. Sa dami ng na panood ko e eto ang pinakspecial sa lahat.....(pagganahin nyo na ang imagination niyo)
Nung una naming nakita yung scene, e nag-kiss sila (naks, nakakarami na!!) tapos biglang naging torrid.....and then...was that groping?..Golly! it is groping....and now there on the floor...at..at...(hindi na sila wholesome...)
Kaya asahan niyo na kapag pinalabas yan sa channel 7 e wala yang scene na yan. ACtually ang sabi ng officemate ng mommy ng bestfriend ko, e maganda naman yung GOM, malayo na nga lang siya mula sa MG kasi hindi na pang-click yung theme ng story. AT ayon sa kanya, marami daw sigurong matatanggal na sc enes dun.
Lupit no? Meron pa akong freebies. Pero ang pinakamalupit na natuklasan ko nung gabi na yun, e mas malupit pala kapag mga matatnda ang mga fanatics, kasi dahil sa may pera sila, kaya nilang mag-organize ng malulupit na events, tulad non, tasaka mas alam nila by heart ang mga kanta ni LEi, e hindi ko nga makanta yung iba dun e....
Yan ang tsika ko sa inyo. for more details, kapg nag-kikita na lang tayo ;p

Saturday, October 16, 2004

I'M MY OWN SHRINK!!!!
Paano ko to nalaman?! I was walking for 2 minutes kasi gusto ko na sanang umuwi kasi wala naman na kong gagawin dito sa ust, tapos bgla kong naisip na mag-detour at pumunta dito sa nitro gig para mag-internet, and then i've realized, i'm my own shrink!!! I ofetn ask myself what's wrong, then i tell myself these are the things that's bothering me, what should i do, blah, blah blah,.....tapos it just hit me. Parang may isa pang tao sa ulo ko na nag-eexist para buhay ako. Yikes! tama nga siguro si mama, baka nahawa na ko sa mga patents kong schizt. ......
Mahira talaga kapag wala kang masabihan ng problems. Ewan ko, madami naman akng friends, pede ko na manag silng istorbohin kahitmga five minutes lang pero hindi ko maintidihan kung bakit hindi ko magawa istorbohin sila. I'm sure they would always be more than happy to help, pero i guess i've always been more comfortble dealing things on my own, yung tipong wala lagi karamay. Sheessh, what's wrong with me.
######
Question lang. Bakit kapag depress ng isang tao, natural na reaction niya ay ang want niyang mag-self destruct? For example, like now, medyo down pa rin ako and honestly, gusto ko uminom, at gusto ko manigarilyo, kahit hithit buga lang ang gagawain ko. Shucks.... I can't keep on doing this everytime na ma-depress ako?! Bukod sa wala akong pera lagi e wala namang madudulot na mabuti yan dahil bibigyan lang ako ng lung disease ng yosi, at patutulugin lang naman ako ng mahimbing ng alcohol, yung tipong i'm wasted na wala na akong last thought bago ko ipikit ang mata ko.
Pero bakit gusto ko pa rin siyang gawin ngayon? Bakit? AS IN WHY IS THE BECAUSE?
Kung bibigyan mo ako ng beer ngayon sa harap ko, e sure akong hindi ako makaktanggi and i think the reason kung bakit pran gusto ko nang umuwi e dahil alam kong wala akong mayayang uminom ngayon (which i think is both a good thing and a bad thing).
HUHUHU.... I want to find a corner and shout my lungs out. As in yung AHHHHHHHH! lang na shout. Then i want to say all the bad wors out loud then stay on a corner and cry my eyes out until it literally comes off..........

Sunday, October 03, 2004

Yihee!October na! bagong center nanaman bukas.....hay....tapos na ako sa mga baliw. mga kids naman. Kakanta nanaman ako ng:
Where is (kid's name) 2x
Here i'am 2x
How are you this morning
Very well i thank you
come and play 2x

pag tagalog:
Nasaan si (kid's name)2x
nandito 2x
Kamusta ka ngayon 2x
mabuti't masaya 2x

pag tapos na:
We are going 2x
Now goodbye 2x
See you on(day of next session)
now good bye 2x

meron pang mga:
tayo ng sumakay sa bola
mataas tumalbog ito
tayo ng sumakay sa bola
mataas tumalbog ito
boink,boink bilisan mo
boink, boink bilisan mo
boink,boink bilisan mo
boink, boink bilisan mo

tsaka;
the wheels* on the bus go round and round**
round and round, round and round
the wheels on the bus go round and round
all over town
*windows, **up and down
*babies, **wawawa
*momies, **shshsh
Hay...PCMC, her we come...

P.S. pedia song by migs (pasintabi sa mga chinese, joke lang po ito)
were is lao shr 2x
ni hao ma 2x
zhu ni sheng er kwai la 2x
hao, hao, hao



Tuesday, September 21, 2004

Yihee! Panay blog kasi hindi toxic. Dito ako sa computer center, inuubos ko lang yung 1 hour ko. Sayang, 30 Php din to. How's life? Okay lang. 2 days na lang and i'm 20. Gosh! Di na talaga ako bata. Adult na talaga ako. Di na ko pwedeng mag-paka immature at laging mag-procrastinate sa mga trabaho ko, uminom ng walang pakundangan na as if wala akong importanteng gagwain the next day, kailangan ay effecive na akong makapag-manage ng oras ko between all the stuff na kailangan kong gawin at ma-prioritize ang mga gagawin ko at maging organize everyday. Golly! Feeling ko tumanda ako ng 5 years. HuHUhu.....
Hay.... as i go into adulthood, eto malamang yung mga bagay na ma-miss ko tungkol sa pag-ka bata at pag-ka teenager:
1. Yung hindi ka makapasok sa film na gusto mong panoorin dahil R18, o kung PG13 naman siya, kaialngan kasama mo ang isang magulang.
2. Yung kapag may ginawa kang kalokohan, yung excuse na "Ganyan talaga ang mga bata." All of the sudden kasi, kailangan mo nang maging responsible sa mga actions mo.
3. Yung free rides sa tren o carnivals kapag below ka nung ruler nila.
4. Yung mga rides na hindi mo masakyan dahil below ka ng mga ruler nila.
5. Yung pag-kakaroon mo ng crush na kababawan lang. Pag-matanda ka na kasi parang hindi na bagay sayo.
6. Ang right na manood ng Batibot, Sesame street at kung ano pang kiddie shows.
7. Ang right na manood ng mga teen flicks tulad ng TGIS (yihee! kapanahunan ko yan!)
8. Ang mga quizzes sa school at long exams.
9. Yung kapag tinamad kang pumasok, pwede kang umabsent. Basta ba maka-kopya ka ng assigment ng classmate mo for the next day ay ayos na sa mga prof mo.
10. Ang pagiging asal bata ng isang tao just for the simple reason na bata. Immaturity daw kasi yun kapag matanda ka na e asal bata ka pa rin.

Happy birthday nina!!!

Thursday, September 16, 2004

Malapit nang matapos ang week two ng psych. Hay... Bigla tuloy dumami ang gagawin ko dahil meron akong dalawang patients ngayon. Golly..actually dito lang ako sa computer center at inubos ko lang ang 15 minutes ko, sayang din kasi, 10 pesos din yun.
Okay lang ako ngayon, both physically, psychologically and emotionaly. Nasabi ko ba na back to normal na kami ni ~ahem~? Okay na kami sobra, parang walang nangyari. Sa akin, mas maganda yun kasi ako yung tipong ng tao na ayaw iiwasan ang isang kaibigan pag-katapos ng mga ganoong pangyayari, ako kasi, once friend kita, for life na yun. Tsaka yun siguro yung maganda pag-friendship ang naging foundation mo feelings mo for a person, kasi kahit anong mangyari, yun ang isang bagay na hindi mag-babago. Gusto kong i-check yung mga blos nina phaeds kaya lang nakalimutan ko na ang address. Ask ko na lang later 7 minutes pa. HMMM......

Tuesday, September 14, 2004

Panick attack! Panick Attack! Wala pa akong ma-propose na TOA for next week! Gaah! Need proposals. Punta kaya kao kina Anna later para makahiram ng crafts mags niya? Hmmmm..... Second week of CC. La na akong money. Hay.... Ei just got my re-issued I.D.

Saturday, September 04, 2004

Funny! In-access kasi ni Phaeds yung blog page niya tapos naalala ko na matagal na kong hindi nag-blog. Funny kasi nakalimutan ko yung username ko. hahahaha.....
Internship is pretty okay. Inatake nga ako ng burn out this month, nag-kasakit ako at na-depress ng todo pero kay na. Phase over. Gusto ko nang uminom at tumitig sa kawalan Hehehe...
Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko na-mimiss yung pagiging isang ordinaryong student. Yung tipong may quiz ka araw-araw, exam tuwing first shifting, prelims and finals, prax na nakakaloka ever, at mga moments sa classroom kasama ang aking mga class mates. Hayyy..... ngayon minsan wini-wish ko na lang ng mag-quiz sa ana, o kahit anong OT subject kesa pumasok sa center at mag-decury sa sabado.
But don't get me wrong. Alam kong ilang beses na kong na-depress, naiyak dahil muntik na akong lumagpak at hindi maging intern, at sa totoo lang, gusto ko naman talaga ang ginagawa ko kaya lang siguro, kahit saan namang aspect ng life diba? Dumadating ang panahon na gusto mo lang mag-pahinga at i-rest ang iyong utak sa kakaisip ng problema ng iba.
Hayy...kamiss to. Mukhang mapapadalas nanaman ito
Last, September na! 19 days na lang, matanda na ko talaga. Totoo nga yung sinabi ni papa, before it know it, 40 na ko.
I'M BACKKKKKKKK!!!!!!