Monday, May 29, 2006

It's another manic Monday. Wish it was Thursday, that's my fun day.......
Lunes na, at bago na ulit simula ng isang napak gulong linggo. Anonanaman kaya ang bagong hirit ng patient ko ngayon. Medyo mabagal ang araw na ititch dahil wala yung am patient ko. So mag start ako nito mga 1 pm. Saya.... Tuloy na ito hanggang 6. Sweet....

Monday, May 22, 2006

Ei mga peeps, wazzup?! I'm fine naman. Dito ako clinic, nag busy-han kasi wala pa yung pasyenteko na dapat dadating ng 9. baka tinamad nanaman. Ayoko pa naman ng ganito, mabagal sa umpisa, tapos sunod sunod na mamaya. Probationary status na ko dito sa clinic. Naka-scrubs na rin ako. Medyo friends na rin kami nung mga pasyente na naiwan ni clara, pero minsan di maiiwasan, may mga pasyente pa rin na masyadong maarte. Last week nga nasabihan ako ng "bwisit ka". E kasalanan ko ba na dumating siya ng 1 orasna mas maaga sa napag usapan. Shit. Dahil panalo yung linggong yon e come saturday, bumili ako ng soju (korean version ng lambanog), kimchi at potato chips dun sa local korean mart sa may amin. Nag saksak ng winter sonata, then got drunk in less than 45 mins. naka 14 shots din ako siguro. medyo mataas yung shot glass ko, kaya yung puno non, hinahati ko sa dalawa. 7 shots times 2, 14 di ba. sarap. Woke up around 8 am sunday. was feeling lazy the whole day pero after lunch, nagkaroon din ako ng energy para maglinis ng bahay at gawin yung splint ng maarte kong pasyente. Tapos before i knew it, Lunes na ulit. At eto, dito ako sa clininc sinusulit ang libre at mabilis na internet habang walang pang pasyente. HEHEHE... sabi ng ng pinsan ko, ayos daw ako e, ang bago kong empleyado pero pasaway ako. HEHEHE........Feeling ko roller coasterulit tong linggong to kaya uulitin ko nanaman yung inuman session ko nung sabado. Sarap......
**** Every thursday ako off. Dahil monday ngayon at para hindi ako masyado masuya sa linggo ko, iniisip ko na lang na 2 araw na lang, off na ulit. Xmen na ito!!!!! Ü

Wednesday, April 26, 2006

matagal din akong walang post. Sensha na. Ano na ba ang nagyari sa akin? Eto, hindi ako natanggap sa PGH, pero dito ako ngayon sa private clinic sa may san juan. Okay naman dito. Mabait yung mga staff, tsaka yung mga doctors na may ari ng clinic. The patients? UHHHHH.... that remains to be seen. Pakiramdam ko ngayon, para akong nasa telenovela. AKo yung daughter-in-law na hindi matanggap, o yung bagong stepmom na hindi matanngap nung anak nung husband, o yung mga apong hindi matanggap ng ng lolo dahil illegitimate child at ayaw nila sa nanay ko. Hehehehe......

Sunday, April 02, 2006

Saglit lang to. I'm feeling sleepy na e. My "call girl" days are over. Last day ko na sa "casa" kagabi. Now, hintay lang ako ng feedback from PGH. Kapag positive, thank you God. Kung hindi, thank you God pa rin. Ibig lang sabihin, He has better plans for me. Kagaya nga ng sabi ni Anna, bahala na si Batman. AJA!!!

Monday, March 13, 2006

4 days to go, so what? Mahiwagang salitang nasabi ni mr alconcel kanina. After 4 days we are still in limbo, hindi mo alam kung may trabaho ka na, o isa ka pa ring unemployed OTRP. May lisensiya ka nga, wala ka na namang trabaho, ano silbi non. Well in essence may trabaho pa ako sa call center kaya lang gusto ko nang mag resign kasi ayoko na dun at gusto ko na mag practice. Mabuti pa siguro iwan ko na yun a ibigay ang vacancy slot sa mga mas nangangailangan. Ayos naman ang volunteer experience e, kahit medyo kalwang nung umpisa, bumabalik na ang aking momentum. Kung gagawan ko ng SOAP notes ang volunteer work:
S: Px was seen and treated. The ff ax were given
O:
to improve splinting skills, actual splinting ax such as shaving. cutting and actual splint making ( ulnar gutter). Px was able to perform task independently with moderate to minimal cues. to improve px handling skills, actual handling was performed. Px was able to evaluate and treat px's independently, c difficulty noted on documentation since px still misses some information. Case presentation was also performed to check clinincal reasoning. to check supervisory and teaching skills, splinting demo on wrist cock up and cock up with thumb post molding was performed. px was also asked to be one o the panel for the case presentation of the interns. px was able to perform task with moderate cues, especially on molding splints.
A: all areas remain status quo. No regressions noted.
P: Continue with present management.

Hayy...... 4 days to go.

Saturday, February 11, 2006

OTRP NA KO!!!!!
Ako at 11 ng aking mga kasama. Pucha lalim non a. at dahil dapat na simulan ang napilingpropesyon, eto ako, nag apply na ng trabaho sa pgh (damn, there goes my driving school)puff.....

Monday, February 06, 2006

On Boards and Remedials
Do you know Pervinchief, Maslin, Evanowski? ALam mo ba kung ano ang theme at opening remark nung OT Convention sa White Rock beach? Ako hindi. Kaya naman hindi ko alam kung bakit sa dinamidami na pwedeng itanong sa boards, yun pa yung nakuha. 2 beses pang inulit yung tanong tungkol sa OT convention. Wagi. Basta ang improtante sa akin ngayon, nakasagot ako sa mga tanong with the best of my abilities. hindi mo sa akin pweden sabihin na hindi ako nag-aral, dahil alam ko sa sarili ko na nag aral ako, hindi ng lang lumabas yung mga inaral ko. Pwera na lang yung tungkol sa APK dahil constant yon, at yung mga inaral ko mula sa past boards ay lumabas. Thankful na rin ako kahit konti. I guess hindi ko pa pala sila pwedeng sunigin. Balak ko kasing pag susunugin yung mga notes, at kung mga ano ano pa just to say na tapos na yung part na yung ng buhay ko. Honestly, after ko mag make up, gusto ko na sana sunugin yung uniform ko e (psych disorder ba it?!). Buti na lang naiisp may boards pa. At honestly, ayoko na san siyang ulitin, kaya dasal ko kay Lord, sana talaga huwg na. PEro His will be done, kaya kung hindi pa ngayon, hindi pa ngayon. Pero sana talaga ngayon na. Dahil gusto ko na mag practice. Wala akong pakialam kung mababa ang sweldo, basta ang mahalaga, nadun ako sa dapat ko pag kalagyan. Wala rin naman mangyari sa akin sa call center. I can feel it. Dadating ang araw na magiging liability na rin lang ako dun sa program ko at ililipat rin nila ako ng program para dun ako mag-hasik ng kamalasan at lagim. hehehe.....
Sabi ko nga kay Jayce kanina, wala na akong nararamdaman.Manhid ba, hindi ako mega kabado, hindi rin ako mega confident( Si John Ray lang naman ata yun e). Laki kasi akong remedials e. Sanay na ako sa feeling na nag-hihintay in agony, may mabuti rin pala naidulot sa akin ang remedials. It made me a tougher person. Sabi ko nga atleast to, thurday its over na talga.E yung remedials, isang linggo mo hihintayin. ehehehe

Friday, February 03, 2006

Do you believe in signs? People usually asks for signs from God so that they will know if one thing is for them. Actually. i do believe in signs. Kaya lang, hindi ko alam kung anong sign ang hihingin ko. kaya pag meron akong bagay na ipingdarsal kay Lord, tulad ng tulungan niya akong pumasa ng boards, ang lagi ko na lang sinsabi sa kanya e, "May tiwala po ako sa judgement ninyo. Alam ninyo na ginawa ko ang makakaya ko, bahala ka na sa akin" Faith ang tawag dito diba? Siguro nga, malakas lang ang pananampalataya ko sa kanya. Tested ko na kasi e. Maniwala kayo, sa hirap ba naman ng dinanas ko nung college. Honestly, nun lang ata talaga ako natuto mag dasal ng taimtim at mula sa puso. Aminado ako, hindi ako pala-simba. Pero the funny thing is kapag nalulungkot ako. o maeron akong mga bagay na hindi ko makaya, tapos dumaan ako ng church, promise, nandun yung feeling na pag-pasok mo, alam na sa tamang lugar ka pumunta (of course after non, dadaan ako national bookstore, power books. tapsi, cafe dapits at mag kakasala na ulit ako kasi gagawin ko na ang mga makamundong paraan ng pag papasay sa sarili ko). Kagay nung thursday, nun lang ulit ako naka daan ng St Jude after 1 year. hindi ako makadaan dun nung intern ako e. Sayang hindi ako nakapag mass, pero naabutan ko kasi yung novena. At yung nga, andun yung feeling na nasa tamang lugar ako, at naririnig niya ang mga panalangin ko. Kakaiba talaga. Baka naman ayun na yung sign na hinahanap ko. Galing talga ni Lord
no.
####
I'm sad. May nasagap ako na bad news ngayong hapon lang. Nalungkot ako kasi kahit ba hindi kami close nung tao talaga, nung nalaman ko na may masamang nangyari sa kanya, nalungkot talaga ako. Imagine, nag usap lang kami nung isang araw, mag thank you pa siya sa akin para daw sa mga natulong ko sa kanya sa ops kasi nalipat siya ng ibang program, tawa pa siya ng tawa nun.Tapos yun. nabalitaan ko na kinuha na pala siya ni Lord kaninang umaga. Ang masaklap pa non, sobrang aksidente yung nangyari sa kanya. Shucks. Sana, maligaya na siya ngayon. I'm sure she'll be missed by the people who really loves her. Sa mga makabasa nito, please offer a prayer for her.

Saturday, January 07, 2006

bangenge ako. kayo ba, aminin ninyo sa akin, nasubukan niyo na bang na gising ko for 34, hindi 24, hindi 25, 34 hrs? ako eto. hinihintay ko kasi dumating ang bro ko at sasabay ako sa dad ko papunta qc, meaning pag uwi ko sa bahy, matutulog nanaman ako for how many hrs, gising ng 5 mins, tulog ulit, saka gigising para kumain, mag aral, mag simba(dahil linggo bukas, and im really asking for mega divine intervention) manonood ng sine dahil naka-oo nanaman ako. tapos uwi, mag aral, umalis ng maaga, kumuha ng cedula, pumila sa prc, umuwi uli, matulog kung may oras pa, at pumasok sa trabaho, umuwi, matulog, magaral. Teka, isang araw na ba yung na kwento ko, parang TATLONG ARAW NA YUN AAAAA!!!!!! Taena, ako na ata ang pinaka panget na mag exam sa feb 5 and 6....
#####
In the spirit of the new year, gawa nga tayo ng mga new years resolution at tignan natin kung may matupad:
1. I WILL NOT PROCRASTINATE!!! (ano kaya ang tawag ko sa ginagawa ko ngayon?!)
2. I will learn to say no
3. I will learn to stand up for myself and not let others, specially those who are in the wrong to push me around or bully me (in fairness, medyo natutunan ko na sa trabaho yan. Lekat sila, hindi ko alam minsan kung nasaan ang utak man!!!)
4. I would need to start to learn to manage my time more effectively. (nag tatampo na kasi sa akin si papa, para dawa akong walang time for them, its either work, boards or friends. Nawala daw sila sa priority ko.)
5. As per bridget jones, "be a woman of substance. have inner poise"( wae?!)
6. Learn to be more competitive. medyo laid back pa kasi ako, im not that career driven yet, im just going with the flow.
7. Learn to LOVE money. not to the point na sasabahin ko siya, but love it enough para maging matipid ako at mas makaipon. Sa lahat kasi ng kuripot, ako ang gastador
####
Ive taken a personality chuva ek (isa yun sa mga spam mail sa office, ako talga hindi na ako nadala, napagalitan na nga ako dahil sa spamming e!!! SITE form na ang kasunod nito). Ang total score ko, 48. at ang description, e "people find me kind and amusing..." actually mas mahaba apamyun dyan, pero yan na yung pinaka natatandaan ko;p
####
Note: Para dun sa mga taong nag check pa rin ng blog ko, mapapasin ninyo na for the next blogs e napaka haba at amala nobela, pambawi yan dahil ngayon lang ulit ako makapag blog.


Monday, January 02, 2006

Bagong taon, bagong blog ;p katukayo, sensha na ngayon lang ulit ako nag blog, ngayon lang ulit ako nag ka oras. Sa mga hindi nakakalam, ako po ay kasalukuyang "call girl" ngayon. Okay naman ang buhay call center, In fairness, nula ng mag trabaho ko dito, i started to hava alot more of respect for the people who work in the idusrty. Trust me mga dude. there's more to call centers than just answering the phone. at hindi birong makipag usap sa mga taong galit sayo dahil hindi sila marunong gumamit ng mga products nila, at ang tingin nila e ikaw pa ang tanga dahil sumsagot ka ng phone. O ay para sa mga taong nag babalak kumhua ng credit cards o kahit anong card, PLS READ YOUR TERMS AND CONDITIONS. In fairness naman sa ating mga pinoy, we do that. Ako alam kong binabasa ko ang card terms and conditions ko, o kahit user manual nung DVD player ko bago ko ginamit. Sila kasi hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila mag aksaya ng konting brain cells at atleast 10 mins ng oras nila para basahin yung isang page ng papel tungkol sa card usage. Isa pang kwento, igalang ninyo angmga cashier sa SM, o kahit saang mall, kasi sila pag binigyan mo ng credit card, marunong mag split transaction (this is a process where in a customer makes two forms of payment for one purchase, pwedeng gift cert yung isa or credit card at cash naman yung isa. Customers do this if the gift cert or cash that they have at hand is not sufficient to cover for the entire purchase). MArunog din silang mag multiple card transaction, ibig sa bhin kung bibigyan mo ng tatalong credit card yung cashier para ma charge nila ung binli mo, marunong slang mag process. Yung mga cashier na americano, ngek, goodluck. Madalas, kami pa ang mag sasabi sa kanila kung paano pa nila gagawin yung trabaho nila. O diba, Pinoys are truly worldclass world wide. Kaya maging proud din kayo na naging pinoymkayo, kasi napaka galing natin. hindi tulad nila. Sila na nga nag pauso ng internet, hindi pa sila marunong mag surf. Titingin na nga lang sa left side of the screen for the random access gen code, hindi pa nla magawa. And computers, diba americano nag imbento non, Si Pascal? trust me, common story na pala yung "My cup holder is not working" na story kung saan agn "cup holder" sa story e yung CD ROM.

Wednesday, September 28, 2005

Must breathe. in 48 minutes, i may start taking calls. What?! will try to remember to have a clear head, remeber my spiels, and try to answer the questions as concise as possible. KAya ko to! AJA!!!

Tuesday, September 27, 2005

King inerts yan! Akala ko hindi ako makapag blog ngayon. Medyo matagal na rin akong walang update, kaya eto:
1. May trabaho na ko!!!! HUrrah!!!!Excited na nga ako sa una kong sweldo sa 30 ($kaching-kaching$) kaya lang may pamahiin sina mama na hindi gingastos ang unang sweldo. E paano kaya ako mag babayad ng kuryente kung hindi ko gagastusin. Kaya nga ako nag trabaho in the first place divah?! Ako po ngayon ay isang CSA, or Customer Service Associate. For short, sa Call center ako nag work ngayon. HIndi ko nga maintindihan kung paano at bakit nag bago ang isip nina mama. Bigla silang pumayag. Kaya ang lola mo, ayun, nag apply sa 2 call center within a span of a week. Aba'y mantakin mo, after nung interview ko, in-offer agad yung trabaho. Bakit naman ako tatanggi dun?? HIrap atang mag apply. Masaya naman ang trabaho e. MEdyo madami ka nga lang kailangan aralin. pero okay naman, kaya.
2. NAg birthday ako. Ayos lang. Tahimik. AS in. Bukod sa walang pera, wala ring energy para mag celebrate. MAy trabaho ako nung araw na yun.
Got to go. Tapos na ang lunch break namin.

Friday, September 02, 2005

Naks. SAbi ko pa naman hindi ako mag apply sa call center. Pero eto, pangalwang call center na tong in-applyan ko. Kailangan na talga kasi ng trabaho. Hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ko. Sa loob ng isang bwan, naka apat na akong trabahong inaplyan. Yung isa, barista job. Yung isa, med transcriptionist. Yung dalawa, call center. Kaya paano naman sasabahin ng mga taong walang trabaho, na walang oppurtunities na available. Madami actually, medyo mahirap nga lang ang matanggap. SA bagay, madaling mag hanap, titingin ka lang naman sa job market, marami ka nang makikitang opening. Karamihan pa nga lang e puro call center. Sige, masubukan na nga rin lang. Kagulat nga e, kasi bigla akong pinayagan ng parents ko na mag apply. Ei katukayo, interested ka ba? Kung gusto mo, ibigay ko yung name mo pag nag apply ako ulit. Sana matanggap na ako dito sa pang apat. Sana talaga.

Thursday, July 28, 2005

F***er, kinakabahan ako. Sana po ay maging okay ang lahat. Nalaman na kasi nila yung results ng boards exam. Both good news and bad news. Good news e #1 OT school pa rin kami, bad news e, may 2 o 3 taong di pinalad. Shucks! nakakakaba talaga. mantakin mo, kung isa ka dun sa sampung nag-take, tapos nalaman mo na may 2 o 3 sa inyo ang sumabit, di ka ba kabahan non? Pucha, ako nga na hindi nag-take, kinakabahan para sa kanila, lalo na siguro sila. Let's hope and pray for the best. All we can do now is wait. Hayyy....waiting sucks. But hey guys, meron na lang naman kayong ~4-5 hours bago maging available ang dyaryo, kaya kahit anong mangyari, inom tayo!!!!! hehehehe ;p Tulog kayo. Walang mangyayari kung pupuyatin ninyo ang mga sarili ninyo. nandyan na ang results ng boards, dasal na lang tayo. Ipagpasadiyos na lang natin ang lahat.

Wednesday, July 27, 2005

Job!!! kelangan ko na po talaga ng trabaho!!! Sa mga nakakabasa, may alam ba kayo na pwedeng applyan? Help will be greatly appreciated. Thanks.
***
katukayo, alam mo na ba na officially, si vic zhou na at barbie xiu?! As in!! recently lang sila umamin na sila. Turns out, after nila gawin yung mars, yung relationship nila with their respective ex partners were already on the rocks. Kaya during the promotion ng mars sa China, ano ba pa ang gagawin ng dalawang sawing puso kundi damayan ang isa't isa? Naunang mag break si Vic at yung gf niya, tapos during promotion, officially nag break si barbie at bf. e sa lungkot ni barbie, walang ibang nag papagaan ng loob niya kundi si vic, kaya ayun, nag ka-developan yung dalawa. Napilitan silang umamin kasi madami nang chismis sa kanilang dalawa, pinaka matindi dun e yung pag labas nung picture nila having the necklace with the same pendant (couple's necklace ika nga). Tsaka yung pag punta ni Barbie sa police station(actually dumating lang siya pero hindi niya talaga nilapitan si vic) nung naaksidente si Vic. Alam mo na ba yung chika na yun? kasi turns out tong si Vic e napag-tripang patakbuhin ng mabilis yung kanyang astigin na car, nawalan siya ng control at yun, sumalpok siya sa dalawang kotse. Pero love siya siguro talaga ni God, kasi walang nasaktan dun incident, kahit yung mga drivers nung car na nabangga niya. Malaki nga lang ang butas ng bulsa niya kasi siya ang mag shoulder sa lahat ng damage na nagawa niya (sabagay, aanhin mo nga ba naman ang pera?Madadala mo ba yun sa langit?). Ang chika e habang nasa state of panic and confusion si Vic, e napataong tumawag si barbie (ergo:si barbie ang unang nakaalam ng accident niya). After nila mag usap, saka pa lang niya tinawagan yung manager niya at kapatid niya. To si Barbie concerned, sugod siya dun sa scene. Pero nung nakita niya na andon na yung manager at kapatid ni Vic, hindi na siya lumapit. Pero may sighting sa kanya at intially, nag deny yung kampo ni Vic at sinabi na yung girl e yung assistant ni Vic. Pero in an interview, umamin si Barbie na pumunta siya. Tapos ayun na, lumabas na yung balita tungkol sa necklace, tsaka yung akala nila si Barbbie yung ikakasal dahil nakita siya sa isang bridal shop pero turns out, si Dee pala yung ikakasal talaga (actually, buntis na daw siya ayun sa tsimis). Then later, sinabi na rin ni Baribie na yung relationship nila ni Vic is more than friends na talaga (nakalimutan ko yung exact words talaga. Yung term niya kasi is "past the whatever chuva"). eventually, umamin na rin si Vic with a simple pero malaman na sagot: "Kung ano yung sinabi ni Barbie, yun na yun" (opo sinabi niya yun in tagalog ;p Joke,joke joke ;p) So ayun, sa mga lei-san cai fans, mag saya na kayo dahil nangyari na ang matagal nating hinihintay!!! Sa maka dao-san cai, HAHAHAHA!!!!! Sorry. Lei talaga e hehehe(evil laugh.Smirk, smirk. Peace po tayo mga tsong ;p)
*Tunay na ipinapakita ng entry na ito na kailangan ko nang mag hanap ng mas makabuluhang paraan para magamit ko ang oras ko, kesa sa dito sa bahay at sumasagap ng tsimis tungkol sa inyong mga paboritong artista sa taiwan, korea o kahit saan pa man. Pero sa mga humahanap ng diversion sa napaka saya at toxic nilang buhay, sana po ay natuwa kayo sa tsimis ko. Hanggang dito na lamang, until next time dito sa "The Buzzz!"

Sunday, July 24, 2005

i have seen the light! i have reached the end of the tunnel! iam out of the purgatory called "make up". Officially, since July 19, 2005, iam proudly a member of the BUM society. Yessireee! So now, i spend my days doing housework, playing PS2, watching tv and drinking beer (but not everyday since don't want to be alcoholic) hehehe. Honestly, hindi ko tinatapos ang laht ng gawaing bahay sa isang araw dahil pag ginawa ko yun, wala na akong gagawin kundi tumunganga sa apat na sulok ng aking bahay (Note: AKING BAHAY;P). This proves that a workaholic like me should find paid employment and soon, o kahit volunteer work. basta may magawa lang ako for the rest of the day na productive rather than staying at home and wonder if my life will soon become somthing similar to bridget jones thus will start contemplating if i will eventually die fat and actually be eaten by alsatians. or if i will eventually meet the right person, but then decides that rather than having them in my life forever, i'll just try to get myself pregnant with his kid then tell him tha t i absolutely will not marry him despite of pregnancy (note:have actually told this to my parents and they were both angry at me. eventhough i told them i was just kidding. pero diba, most jokes are half meant?JOOKE!!!!) hindi. hindi mangyayari yun kasi kahit nasasabi ko yan ng pabiro, hindi ko siyang kayang gawin at hindi ko rin ata magagawang ma-disappoint sa akin ang parents ko ng ganon hehehe
pero in fairness, im pretty enjoying my life right now. Im actually craving for total financial independence. I feel na dahil tapos na ako ng college, e bawasan ko na ang pagiging sakit ng ulo ko sa magulang ko.

Wednesday, July 06, 2005

HuhU...July 6 na 2 days after the deadline ng filing. ergo, hindo po ako nakapag-file. Pero ayos lang. Sign nga lang ito na baka hindi ko dapat minamadali ang pagkuha ng boards. kasi sa totoo lang, minamadali ko lang naman ang sarili ko. Tulad nga ng sabi sa isang book na nabasa ko, eventually is now. So why put off things for tommorow kung pwede siyang gawin ngayon right. Kaya lang, sa kasamaang palad, kailangan ko talaga siya ipag-pabukas. So, plan b. Hanap ng alternative na work para may datung ako. tapos review ulit. Tapos file, tapos boards. HAyyy.....
###
to muchmorethanordinary(mula ngayon, ikaw na si KATUKAYO), sorry kung di pa kita nalalagay sa link ko. Inaalam ko pa kung paano ako mag-lalagay ng link. Sensha na, medyo slow ako pagdating sa technology na bago hehehe.......

Sunday, May 29, 2005

Review for boards has begun (actually, kahit di pa nga ako sure kung makahabol ako, im getting this weird feeling na hahabol ako sa date of filing.) Insipirado ako mag-review (walang halong ka-showbizan yan!;p) dahil dun, kaya kahit ma-prito ang utak ko sa mag-hapong review sa IQ, la sa akin yun, it's for my own good. Kahit medyo may daya yun ng konti, kasi nag-advance ako ng topics ng patago. Once kasi mag-start na ang make up ko ng June, wala na kong time para mag review sa IQ. Sayang ang 9000. Tutal naman, sila rin ang nag sabi na nag-gagamitan lang kami pareho (of course! business is still business diba?!) e sasabay din naman ako sa OT batch kapag nag OT apps na sila, pareho lang yun diba?!. Mwahahaha.........
#####
Napupuna ako na im suddenly making drastic changes sa sarili ko ngayon. Sample, bumili ako ng danggling earrings, DANGGLING! Bumili ako ng spag strap na blouse, pero may patong pa rin na jacket, pero kahit na, spag pa rin yun. Yung bago kong gloss, shimmery pink ever! Say mo, girlalu ako ngayon. Medyo hindi pa nga lang sanay sa bagong image, pero what the heck! naisip ko lang na gawin ko na ang mga bagay na yan ngayon kesa simulan ko pag-dating ko ng 40 at ang labas e para akong lola na nag-mumurang kamatis ever ;p

Tuesday, May 24, 2005

That's it. Im giving up. Wala na talaga. Suko na ko as in. Kung tungkol saan yon, secret ko na yon. Basta ang gusto ko lang ipaalam sa inyo, wala na talaga akong care. Sobrang ayoko na. Tama na. Sobra na talaga ito...... ;p hahahahahaha..........................

Monday, May 23, 2005

Naks. Independent chuva ek ang drama ko these days. i know eversince naman that my parents are used to the idea that i don't really live here anymore, kaya lang mas na observe ko after grads na mas sanay na sila na wala ako. Actually, very supportive sila sa idea that i really would like to move out of the house after college (come to think of it, supportive naman talaga sila sa kahit ano ;p). My dad actually has this rule na we have to move out of the house once we reach 21. i gues it's their way of saying na matanda na kami, maghanap na kami ng trabaho dahil hindi habang buhay ay nandyan sila. We better start learning to take care of ourselves. Otherwise, wala na. Baka kung saan kami pulutin. Hehehe........So paano ang buhay these days, aalis ako ng monday, balik ako ng saturday afternoon, minsan aalis pa ako ng sunday para lang mag palamig sa mall (e bakit ba? maiinit e!). O saya diba.
May pros and cons ang situation na ito. Ang isang plus e yun nga nagiging independent kami, chuva, tsaka masarap din ang buhay na walang gigising sayo ng maaga on a weekend para mag luto, hindi ka obligadong mag luto, hawak mo oras mo, at hindi mo kailangan mag paalam kapag feel mong umalis. Ang isang napakalaking con nito ay siyempre na-mimiss mo sila. lalo na ko, meron pa kong mga adorable little kids na nauuto ko pang i-kiss ang cheeks ko kapag dumadating ako (wish ko pag laki nila ganon pa rin sila). Tsaka, nakakamiss din ang maingay na bahay kapag lagi kang nandun sa bahay mong walang kausap kung hindi t.v.